//
archives

Kung Ako ang Pangulo

This category contains 4 posts

Less Pork, More Work

"Makibaka! 'Wag Magbaboy!" The rallying cry of Filipinos against pork barrel. Image from Facebook.

“Makibaka! ‘Wag Magbaboy!” The rallying cry of Filipinos against pork barrel. “August 26 * Luneta” referred to the date and place of the “Million People March”. Image from Facebook

A two-trillion-peso budget passed by Congress every year. Billions of pesos earned by government annually through various income-generating agencies. Millions of pesos paid by the working class every payday.

Yet, when you look around, progress is not evident in the Philippines. Poverty is still prevalent. Public services and infrastructure remain subpar. The strong economy is good news only to businessmen.

The question is: where did all the money go? The revelation of a “pork barrel scam” can aid the quest for answers.

At the center of this scam is the Priority Development Assistance Fund (PDAF), commonly known as the “pork barrel”. Included in the annual national budget, it is a lump-sum allocation given to Senators and congressmen – P200 million and P70 million each, respectively – for their “priority projects” in their constituencies. This is on top of funds given to Cabinet departments and government agencies, as well as the Internal Revenue Allotment (IRA) given directly to local government units.

Despite rules governing the use of PDAF allocations, crooked politicians and fake non-government organizations (NGOs) have perfected a scheme to “embezzle” these public funds and funnel it into their own pockets. These shameless people made a mockery of a well-intentioned system.

Public clamor leans toward the abolition of PDAF and the prosecution of all politicians involved. The government has also come up with an ‘overhauled’ pork barrel system.

I, for one, am supporting moves to scrap the pork barrel. I agree with people saying that the executive and legislative departments should focus on running the country and crafting laws, instead of thinking of their next local projects (or their next PDAF “paycheck”, for that matter).

With that said, please allow me to present a proposal that would replace the “pork barrel” system.

——–

This is how the pork barrel scam worked. [Rappler | GMA News]

In a nutshell, the current system goes like this: the PDAF allocation is given to the legislators, but they don’t actually get hold of the cash. They shouldn’t.

Instead, they submit to the Department of Budget and Management (DBM) their project proposals and the budget needed for its implementation. They also nominate implementing agencies and NGOs that would receive the funds.

This is where the scam comes into play: there are some agencies and NGOs that are in cahoots with these legislators. Upon receipt of the funds, all of them get their share of it. Little, if not none at all, goes to the actual project. Reporting the use of the funds comes only after the project is completed. To circumvent this audit, the “scam bugs” either fake the reports or collude with the auditors.

——–

This is my proposal: remove the middlemen – in this case, the legislators – and increase the frequency of audit.

Solution #1: There will be no PDAF allocations given to Senators and congressmen anymore. Funding for all government projects will be given directly to the implementing agencies. Allocations to Cabinet departments (except Education and Public Works departments, which implement the bulk of hard projects like schools and roads, as well as the Social Welfare department) will mostly be for operational expenses.

This would prevent the “panggigipit” (withholding of approval) by legislators when approving departmental budgets, because they cannot attach themselves to local projects anymore.

Solution #2: The funds could be given directly to LGUs, thus maybe abolishing the IRA and doing away with all “middlemen” altogether. The Cabinet departments should and could only assist COA in monitoring and reviewing the implementation.

It would also entail changes in the computation of allocation, to be fair to all towns and cities of all shapes and sizes. The town’s income can also be taken into account, possibly encouraging them to be more dependent on themselves (their own revenues) instead of waiting for the national government to give them funds.

In both solutions, there will be less discretionary funds in the national budget. The remaining ones (especially in Education and Public Works) should be itemized and identified before approval by Congress.

The Commission on Audit (COA), with the help of DBM perhaps, should also be more involved in monitoring the implementation of government projects. Key performance indicators (KPI) should be met at certain stages of implementation, not just at the end.

Involve the public, too. Harness social media, tap traditional media.

Special purpose funds (like the calamity fund in case of natural disasters) should be monitored more closely and should only be given to the concerned/affected agencies.

Hefty penalties should be imposed on those who would get money for themselves. With no special treatment when proven guilty, if I may add.

🙂

Traffic sa EDSA [Updated]

This is a re-post (and an update) of my August 2011 entry.

Photo from TrekEarth.com

Ang Isyu

Ang iniinda nating traffic sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, o EDSA. Araw-araw tayong naiinis, araw-araw tayong nagtitiis.

Sa bawat pagbaybay natin sa EDSA, lagi tayong nakaka-isip ng mga ideya para kahit papaano’y gumaan ang traffic dito. Pero kadalasan, “nata-traffic” din sa isip natin ang mga ideyang ito. Siguro dahil tinatanggap na lang nating mahirap tugunan ang malaking problemang ito.

Isang Panukala: One-Lane Bus Transit System

Matapos ang bus bombing sa Buendia noong Enero 2011, nag-post po ako sa QWERTY Attorney ng entry tungkol sa suhestyon ng mga bus driver na mag-install ng security cameras sa lahat ng bus sa EDSA.

Doon ko rin ipinakilala ang ideyang “i-centralize” ang bus rapid transit system ng Metro Manila, tulad ng mayroon sa Seoul, South Korea.

Sa kabuuan, mabubuwag ang lahat ng kasalukuyang bus companies, kapalit ng isang unified bus company na maaaring pamunuan ng MMDA. Ibig sabihin rin nito, magiging pare-pareho ang itsura ng mga bus (at maaaring air-conditioned pa lahat). Pwede ring magkaroon ng isang malaking “umbrella” ng lahat ng bus companies, at magkakaroon ng quota ang bawat isa sa kung ilang bus lang ang pwedeng tumahak sa EDSA.

Mananatili ang mga bus na ito sa outermost lane ng EDSA lamang. Maiiwasan dito ang pagdaan at paglipat-lipat ng mga bus sa iba’t ibang lanes.

Consequently, magkakaroon din ng pormal na bus stations. Dito lang istriktong magbababa at magsasakay ang mga bus, ‘di tulad ngayon na kung saan-saan humihinto ang mga bus, kahit sa gitna ng daan. May mga MMDA officials na permanenteng taao sa mga bus stations na ito, kumpara sa ngayon na paminsan-minsan lang sila nagbabantay.

Maaari ring mag-install ng iba’t ibang technologies, tulad ng: GPS chips/tags at security cameras sa mga bus, LED bus arrival displays sa bawat bus stations (tulad sa mga airport), at e-ticketing system. Siyempre, kakabit ng mungkahing ito ang pagkakaroon ng isang “EDSA Traffic Command Center”.

Mahahlintulad natin ang one-lane bus-transit system sa MRT-3. Ano sa tingin ninyo?

Sidewalk Vendors

Disclaimer: Ang mungkahi pong ito ay naisip sa ngalan ng batas, disiplina at kaayusan. Batid po ng may-akda na, sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, isa ang pagiging sidewalk vendor sa mga ikinabubuhay ng karamihan sa mga mahihirap nating kababayan. Sana po ay maging makabuluhan ang ating diskusyon ukol sa ideyang ito. Maraming salamat po.

Sa araw-araw na pag-commute natin sa Metro Manila, sila ang palagi nating nakakasalamuha: ang mga sidewalk vendor. Sari-sari ang kanilang mga paninda sa murang halaga: mga prutas at gulay, DVD, sapatos, mga kagamitan sa bahay, kendi’t sigarilyo, dyaryo, damit at marami pang iba.

Kadalasang makikita ang kanilang mga pwesto sa mga matataong lugar tulad ng commercial centers (ex. sa Cubao at Guadalupe), mga terminal ng bus at jeep, sa paligid ng mga palengke, sa mga overpass at footbridge, at sa tabi ng mga paaralan. Kaya sila tinawag na “sidewalk vendors” dahil sa bangketa o sa gilid ng mga lugar na ito sila nagtitinda.

Mababansagan ding “sidewalk vendors” ang mga tindero sa gilid (at ang ilan pa nga ay sa gitna) ng daan, tulad ng masasaksihan araw-araw sa Quiapo at Divisoria.

Walang permanenteng pwesto ang mga sidewalk vendors tulad ng mga regular na tindahan, dahil hindi maaaring magtayo ng mga ito sa bangketang dinaraanan ng mga commuters araw-araw. Ngunit hindi ito hadlang sa mga sidewalk vendors para makapagnegosyo.

Karamihan sa mga “stalls” nila ay gawa sa light materials na madaling i-set-up, madaling bitbitin, at madali ring baklasin. Nakakatuwang pagmasdan ang “creativity” ng ilang stalls, dahil sa disenyo at pagkakayari sa mga ito. Technically, hindi nga naman “permanente” ang kanilang pwesto sa bangketa, kaya hinahayaan silang magtinda roon. Tuloy, lalong sumisikip ang sidewalk.

At dahil sa bangketa lang naman sila pinagbabawalan, ang ilan ay pumupwesto sa harap ng restaurants, convenience stores, simbahan, at iba pang establishments na may maluwag na espasyo sa entrance area nito.

Ang Isyu

Para sa mga kapus-palad nating kababayan, ang pagiging tindero sa bangketa ay isang madaling paraan para kumita ng pera. Maliit lang ang kapital para sa paninda at materyales sa pwesto. Malaki ang supply ng produktong kanilang inilalako, at mataas ang demand sa mga matataong lugar.

Pero ang hindi nila namamalayan, kapalit ng paraan nila ng hanapbuhay para sa “pag-asenso” ay ang kawalan ng kaayusan, disiplina, at pangingibabaw ng batas sa maraming aspeto.

  1. Sumisikip sa mga bangketa. Dahil sa dali at bilis ng pagkakaroon ng negosyo sa bangketa, lumalaki ang “populasyon” ng sidewalk vendors, kasabay ng pagdami rin ng mga commuters sa daan. Kaya naman nagmimistulang lata ng sardinas ang siksikan sa mga sidewalk. Lumalaki ang espasyo ng mga vendors, habang lumiliit naman ang daanan para sa mga commuters.
  2. Pare-pareho naman ang mga paninda. May mga palengke na nga, may mga sidewalk vendors pa sa entrance na nagtitinda rin ng mga nabibili mismo sa palengke. Pare-pareho lang naman ang mga binebentang DVD, pero halos 10-15 ang tindahan ng DVD sa isang lugar. Magkakatabi ang lahat ng nagtitinda ng damit, naiiba lang sa gimik at presyo. Sa Raon, palakasan pa ng ilaw at tugtog.
  3. Maaaring hindi na ligtas kainin ang mga pagkaing inilalako. Dahil sa gilid ng daan nagtitinda ang mga vendors ng prutas at gulay, maaaring “kontaminado” na ito at hindi na sariwa dahil sa usok, alikabok, ulan at minsan pa nga ay tubig na tumatalsik mula sa sidewalk at daan.
  4. Iligal, peke o hindi ligtas gamitin ang ilang paninda. Labag po sa Optical Media Act of 2003 ang pagbebenta ng mga DVD ng mga sidewalk vendor. Iligal rin po ang paglalako ng pornographic DVD’s. Ang ilan pong damit na binebenta, maaaring peke o mababa ang quality. Maaari nga pong mura ang nabili niyong extension cord o Christmas lights, halimbawa, pero baka po maging sanhi pa ito ng disgrasya.
  5. Naaapektuhan ang ilang ligal na industriya… at ang ekonomiya. Natatamaan ang benta at kita ng mga ligal na kumpanya at industriya, na nagbebenta ng ligal na produkto, at sumusunod sa batas. Marami man pong produkto ang naibebenta sa tao, hindi naman po nagbabayad ng buwis ang mga sidewalk vendors. Maaari po natin i-consider na “business activity” ang gawain ng mga sidewalk vendors, kaya naman po may responsibilidad rin sila sa bayan, hindi lang para sa pansariling kapakanan.
  6. Nangingibabaw ang kultura ng panlilinlang at paglabag sa batas, sa ngalan ng “hanapbuhay”.

Maraming beses na pong sinubukan ng MMDA, sa ilalim ng programang “Metro Gwapo” ni Bayani Fernando at sa kasalukuyang programa ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na disiplinahin ang mga sidewalk vendors. Paulit-ulit na nagsasagawa ng raids ang MMDA, para kumpiskahin ang kanilang paninda at stalls. Pero kinabukasan, ‘pag naka-alis na ang mga tauhan ng MMDA, babalik agad sila sa parehong lugar at itutuloy ang kanilang “business” na parang walang nangyari.

Isang Mungkahi: “No Permit, No Business”

Straightforward naman po ang naisip kong panukala: “No Permit, No Business”. Kapag hindi po ligal ang negosyo o paninda, hindi po pwedeng magbenta.

Lahat po ng ligal na establishments ay may maipapakitang permits tulad ng Mayor’s Permit, DTI Certificate, Health Permit, SEC Registration Certificate, at BIR Registration. Lahat po ng ito ay dinidikta ng batas. Ganito rin po sana ang gawin nating panuntunan sa mga sidewalk vendors. Ika nga po ng isang kasabihan, “the law applies to all, otherwise none at all.”

Marami po talagang sidewalk vendors ang hindi mabibigyan ng valid permits dahil hindi naaayon sa batas ang karamihan sa kanilang nakagawian.

Maaari po nating i-exempt ang mga newsstands (nagbebenta ng dyaryo) dahil “matters of public interest” (tulad ng judicial announcements) ang nilalaman ng mga pahayagan. Maaari rin pong hindi isama sa panukala ang mga “takatak” na nagbebenta ng kendi at sigarilyo, dahil de-bitbit naman ang kanilang paninda.

Sa ilalim ng mungkahing ito, masusubukan ang sipag at katapatan sa trabaho ng mga sumusunod:

  1. mga pulis at MMDA – sa regular na pagronda sa mga matataong lugar, at mahigpit na pagpapatupad ng mungkahi
  2. mga mayor at mga taga-munisipyo – sa pagbibigay ng permits, at pagsisiguro ng legalidad ng bibigyan nito; mananagot po sa batas ang mga opisyal na magbibigay sa mga ‘di karapat-dapat bigyan
  3. mga tindero mismo – sa pagsunod sa batas, sa pagbabayad ng buwis, at pagsisiguro ng kalidad ng produktong binebenta

Batid ko pong mahirap ipatupad ang mungkahing ito. Mananatiling mga sidewalk vendors ang mahihirap nating mga kababayan, hangga’t hindi sila natutulungan ng gobyerno sa aspeto ng trabaho, kalusugan at edukasyon.

Pero ito po ay isang ideyang hindi imposible. Kapag may disiplina po tayo, at may respeto sa batas, darating ang araw na magiging win-win solution ang panukalang ito. Ang mga naghahangad na magka-negosyo ay kikita sa ligal na paraan, at magkakaroon ng kaluwagan at kaayusan sa mga bangketa.

Traffic sa EDSA

Traffic in EDSA (From Flickr, courtesy of Rob Trent)

Ang Isyu

Ang iniinda nating traffic sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, o EDSA. Araw-araw tayong naiinis, araw-araw tayong nagtitiis.

Sa bawat pagbaybay natin sa EDSA, lagi tayong nakaka-isip ng mga ideya para kahit papaano’y gumaan ang traffic dito. Pero kadalasan, “nata-traffic” din sa isip natin ang mga ideyang ito. Siguro dahil tinatanggap na lang nating mahirap tugunan ang malaking problemang ito.

Ito na ang pagkakataon nating maitala ang iba’t iba nating mungkahi para lumuwag ang daloy ng trapiko sa EDSA. Mag-comment lamang po sa entry na ito, o ‘di kaya’y mag-email sa michaelbueza@gmail.com. Ike-credit po ang inyong suhestyon kapag naisama sa entry na ito.

Ilang Panukala

1. One-Lane Bus Transit System
Matapos ang bus bombing sa Buendia noong Pebrero, nag-post po ako sa QWERTY Attorney ng entry tungkol sa suhestyon ng mga bus driver na mag-install ng security cameras sa lahat ng bus sa EDSA.

Doon ko rin po ipinakilala ang ideyang “i-centralize” ang bus rapid transit system ng Metro Manila, tulad ng mayroon sa Seoul, South Korea.

Sa kabuuan, mabubuwag ang lahat ng kasalukuyang bus companies, kapalit ng isang unified bus company na maaaring pamunuan ng MMDA. Ibig sabihin rin nito, magiging pare-pareho ang itsura ng mga bus.

Mananatili ang mga bus na ito sa outermost lane ng EDSA, hindi tulad ng kasakuluyang two-lane system. Maiiwasan dito ang pagdaan at paglipat-lipat ng mga bus sa iba’t ibang lanes (tulad ng nasa larawan sa itaas).

Consequently, magkakaroon din ng pormal na bus stations. Dito lang magbababa at magsasakay ang mga bus, ‘di tulad ngayon na kung saan-saan humihinto ang mga bus, kahit sa gitna ng daan.

Maaari ring mag-install ng iba’t ibang technologies, tulad ng: GPS chips at security cameras sa mga bus, bus tracker displays sa bawat bus stations (tulad ng sa airport at LRT-2), at e-ticketing system.

In short, ihahalintulad natin ang one-lane bus-transit system sa MRT-3. Ano sa tingin ninyo?

Iba Pang Usapin

Narito ang iba pang mga “isyu” tungkol sa EDSA na maaari nating pag-usapan dito.

  • “colorum” vehicles
  • number coding
  • sidewalk vendors

Archives

%d bloggers like this: