//
currently reading...
Opinions, Quick QWERTY!, Sectors, Transportation

Failing in Line

Magulo na naman ang pila sa jeepney terminal kanina.

Hindi pa puno ang unang jeep, tumatakbo na sa susunod na jeep ang mga nasa gitna ng pila. Ang iba naman, ayaw nang pumila; noong nakitang mahaba ang pila, sumabit na lang sila sa jeep na napuno at paalis na.

Paligsahan na naman sa pilahan. Atat na atat makasakay. Walang paki sa pila.

Hay.

Hindi lang sa mga terminal ng jeep talamak ang mga eksenang tulad niyan.

Sa istasyon ng MRT, hindi pa nakakalabas ng tren ang mga bababa, susugod na papasok ang mga pasahero sa platform.

Sa EDSA, may mga bus stops nga, pero sa ibang lugar naghahantay ng bus at sumasakay ang mga commuters. Pagkababa ng bus, may mga hahakbang at lulusot sa metal barriers sa gilid ng sidewalk, para lang mabilis na makatungtong sa overpass at makatawid sa kabila.

Pati bus drivers, pasaway rin: nagsasakay at nagbababa ng pasahero sa hindi bus stop, nagbubukas ng pinto ng bus sa gitna ng daan, at patabingi – dalawang linya ng EDSA ang sakop – kung magsakay.

Maski mga colorum na tricycle sa barangay namin, isang linya ng daan ang ino-okupa, pero nag-aabang lang naman ng pasahero. Ang iba nga, bubuntot pa sa mga tumitigil na jeep, nagbabaka-sakaling paparahin sila ng mga bumababang pasahero.

Heto pa: Mga taxi na mabilis ang patak ng metro, mga traffic enforcers na nangongotong, mga private cars na napapadpad sa loob ng yellow lane, mga Pinoy na buwis-buhay kung tumawid sa hindi pedestrian lane…

Haaaaaaay. Hindi ka mauubusan ng ganitong mga eksena araw-araw. (Hindi ka rin mauubusan ng letter A at ng buntong-hininga sa pag-“Haaaaaaay.”)

Bahagi na yata ng buhay-commuter ang pagsingit sa pila, pag-uunahan sa pagsakay, at paglabag sa batas-trapiko.

Para saan pa ang pila, ang road signs, ang bus stops, ang terminals, ang sistema, at ang batas-trapiko kung hindi naman nasusunod at nirerespeto?

Uso bang maging pasaway ngayon? Nasa kulturang Pinoy na ba ang kawalan ng disiplina… pati ang pandaraya, panggugulang at panlalamang?

May matapat at masunurin pa bang commuter o driver?* O dahil talamak na rin naman ang paglabag kahit sa simpleng panuntunan dito sa Pilipinas kaya wala nang pag-asa?

Kailangan ba, may parangal sa bawat pagsunod sa batas-trapiko? Kailangan bang ipagyabang ang bawat tamang gawain?

Sino o alin ba ang dapat sisihin? Ang batas? Ang mga nakaupo sa gobyerno? Ang mga driver ng bus, jeep, at tricycle? Ang makitid na EDSA? Kahirapan? Tayo? O lahat ng nabanggit?

Sino ba ang dapat maunang magbago? Sila o tayo?

Masasagot ba lahat ng tanong ko? Ewan.

Darating pa ba ang panahong aayos ang magulong sitwasyon sa pampublikong transportasyon? Sana.

Darating pa ba ang panahong susunod ang lahat, commuter man o driver, sa batas-trapiko?

Sana, ngayon na.

—–

* Para patas, meron namang masunurin, mababait at matatapat na drivers at commuters.

Hindi ka mauubusan ng mga istorya tungkol sa taxi drivers na nagbabalik ng perang naiwan ng kanilang pasahero sa taxi nila.

Maraming anecdotes sa social media tungkol sa mga lumalaban sa mga hold-uppers sa pampublikong sasakyan.

Social media rin ang “bulletin board” ng mga concerned commuters tungkol sa mga umiiral na modus operandi at mga kotong cops.

Kaso, sa araw-araw natin pagko-commute, mas kapansin-pansin kasi ang “bad habits and practices” natin kumpara sa mga “good Samaritan” stories tulad ng mga nabanggit.

Kumbaga, mas frequent tayong maging pasaway kaysa maging masunurin at mabait.

Maging exception nawa ang pagiging pasaway natin kaysa maging general rule.🙂

—–

“Be honest if others are not, even if others cannot, even if others will not.”

Discussion

2 thoughts on “Failing in Line

  1. Failipinas, Republika ng walang pakialam

    Posted by Ton | May 19, 2014, 12:34 PM
  2. Since time immemorial na ang isyu nito. Minsan, sila na ang nakapanlamang, sila pa ang may ganang magngawa. Pag pinatulan mo pa, magiging tampulan ka pa ng pangbabash sa social media.

    Nakakagago lang. Kung hindi lang kasalanan na manapak nang walang sabi-sabi sa isang kupal nasumisingit sa pila, malamang, may listahan na ako ng blinak-eyean.

    #HeelMode

    Posted by slickmaster | May 24, 2015, 9:13 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: