//
currently reading...
2013 Elections, Opinions

Hindi Ko Sila Iboboto sa Senado!

Lagi nating nire-reklamo ang “premature campaigning”, ang pagiging “epal” ng ilang pulitiko lalo na kapag nalalapit ang halalan. Kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng TV, radio at print ads, at labanan ng “creativity”. Lagi naman silang nakakalusot sa disqualification eh. Hindi naman daw nila binabanggit sa TV at print ads kung anong elective position sa gobyerno ang kanilang habol.

Ang mga taong babanggitin ko rito ay nagsaad na ng kanilang intensiyong mahalal bilang Senador sa 2013. Ang ilan pa nga ay na-endorso na ng mga maimpluwensiyang tauhan. Nasa tamang pag-iisip naman tayong mga botante para maalala iyon. Isang Google search lang sa “(name) for Senator 2013”, lalabas na ang lahat ng news articles na magpapatunay sa kanilang “hangarin”. Hindi ba sila makapaghintay sa campaign period? Mga atat!

Ang mga pangalang nasa listahan sa ibaba ay ang mga hindi ko iboboto bilang Senador sa 2013. Halata namang tatakbo sila sa 2013 eh. Sawa na akong pinagmumukha nila tayong “tanga”.

Hindi tama ang kanilang ginagawa. Hindi tama na kinukondisyon nila ang mga tao nang ganito kaaga. Hindi ito patas para sa mga hindi naman masyadong kilala ng taumbayan. Kung isa kang magaling na mambabatas o marangal na Pilipino, lalabas at lalabas naman ‘yun eh. Hindi na kailangang ipaalala sa atin halos araw-araw.

Kung sakali namang tinigil na nila ang pagiging “epal” sa TV, radyo at print ads, doon ko lang matatanggal ang pangalan nila rito. At baka iboto ko pa sila, basta ba malinis at maganda ang kanilang hangaring paglingkuran ang bayan mula sa Senado.

Para sa akin, inaabuso nila ang kalayaang pinaghirapang makamit ng ating mga bayani. Tama na. Basta ako, hindi ko iboboto ang mga ito bilang Senador sa 2013:

Cynthia Villar
Granted, maraming natulungan ang Villar Foundation. At 20 years na sila sa pagtulong. Maraming salamat po. Pero bakit lumalabas sa TV ads na si Gng. Cynthia Villar lang ang nagpatakbo ng NGO na ito for 20 years? Si Gng. Cynthia Villar lang ba ang kaisa-isang tumulong? Siya lang ba mismo ang Villar Foundation? Bakit hindi ang chairman, si Sen. Manny Villar, ang nasa TV ad? Hindi naman po yata patas para sa ibang mga opisyal ng Villar Foundation. Bakit ang Ayala Foundation, hindi naman si Jaime Zobel de Ayala o ang managing directors nito lang ang “bida”? Hindi po ba talaga maaaring tungkol lang sa Villar Foundation ang commercial? Tutal, nasa pangalan na naman ng NGO ang apelyido niyo eh: Villar Foundation.

Lorenzo “Erin” Tañada III
To be fair, I did my research: the Freedom of Information Bill was introduced by 14 Congressmen (Tañada included) through 12 separate House Bills. Senator Gregorio Honasan also proposed a version of the bill in the Senate. This raises a very important question on Erin Tañada’s TV ad: bakit siya lang ang nasa commercial? Unfair naman yata para kina Reps. Biazon, Teodoro, Nograles, Angara, Casiño, Colmenares, Bello, Bag-ao, Romualdo, Apostol, Del Mar, Castelo and Escudero. Porke ba siya ang nag-file ng consolidated bill, siya ang “bida” ng FOI Bill?

Juan Edgardo “Sonny “Angara
Hindi nagpahuli si Cong. Angara! Kasama pa ang amang si Senator Angara at artistang si Julia Montes! Question: Bakit ngayon lang naipagmamayabang ang pag-enhance sa Senior Citizens Act? Bakit po hindi noong napasa ang bill? Bakit po hindi noong nakikiusap kayo sa suporta para sa bill, tulad ng ginagawa ni Cong. Tañada? Look at the timing: ilang buwan na lang, campaign period na! And, is it really necessary to claim that you (and you alone, if the TV ad is to be believed) worked on the bill? Oo nga pala, tatakbo po kayong Senador sa 2013. Diba po sabi niyo mismo? Can’t the bragging wait, Sir?

Risa Hontiveros-Baraquel
Ah, the classic “exploiting a hot issue” tactic. Risa Hontiveros is pro-Moms, pro-RH Bill. Thanks for the info, Madam. Pero hindi po ba talaga makakapaghantay ang TV ad niyo para sa campaign period? You were even endorsed by Pres. Noynoy Aquino himself for Senator, right? Please tell us you’re still considering your options. Tapos tatakbo rin naman po kayo eventually. Sino po ang pinaglalaruan niyo: kami o ang sarili niyo? Or both?

Joel Villanueva
Sayang. I really thought he was different from the rest. He was CIBAC (Citizen’s Battle Against Corruption) Representative for nine years. His father is Bro. Eddie Villanueva of Jesus is Lord Church. Pero noong na-appoint siya bilang TESDA Director-General, things changed. Ang mukha at pangalan niya, halos nasa bawat tarpaulin ng TESDA. Kahit hindi naman kailangan, kahit inappropriate, katabi ng logo ng TESDA ang mukha at pangalan niya. Remember: hindi maaaring angkinin ng pinuno ang buong ahensya. Ang tawag doon: epal. Those acts, for me, made him less different than his predecessor, and now Iloilo Rep. Augusto Syjuco, Jr., who made use of his office’s name for political gain.

Ernesto Maceda
Fact: Endorser si former Senator Maceda ng Lechon Republic. Fact: former Senator si Ernesto Maceda. The last time he was legislating in the Senate halls was in 1998. Pero bakit po sa isang ad sa likod ng isang bus, nakasulat, Sen. Ernesto Maceda? Bakit wala pong former? Maski po sa isang tarpaulin ng radio show niyo na nakita ko one time sa isang terminal ng bus sa Cubao, walang former Senator na nakalagay. Swerte niyo po, hindi ko na-picture-an.

Aquilino “Koko” Pimentel III
Sa mga gilid at likod ng bus rin naka-print ang mukha ni Sen. Koko. Kung anu-anong mensahe at endorsements ang ipinapakalat. Necessary po ba talagang gawin ‘yun? Kailan pa po naisama sa “official job description” ng isang Senador ang maging public information officer o official endorser ng mga commercial products?

Gwendolyn Garcia
Habang naglalakbay papuntang Lucena, I saw a tourism campaign for Cebu province. Visit Cebu! Guess who was prominently in the tarpaulin? Yup, their governor, Gwen Garcia. Hindi ko gets, kung bakit tila mas maganda/gwapo ang governors ng probinsya kaysa sa mga tourist spots mismo ng probinsya, at dapat eh sakop nila ang pinakamalaking space ng tourism ads. Kahit sumingit nga lang sa tarpaulin, nakakainis na eh. Tourist spots na rin pala ang bahay, katawan at mukha nila. (Here’s looking at you, Laguna Gov. ER Ejercito aka George Estregan!)

Juan Ponce “Jack” Enrile, Jr.
During the early months of 2012, nagkalat ang mga berdeng kalendaryo at print ads na may pangalan at mukha ni Jack Enrile. Dinidikit pa sa mga bahay along Kalayaan Avenue. Akala ko, tatakbong mayor ng Makati, o ‘di kaya Congressman. Big-time pa naman ang apelyido: Enrile. ‘Yun pala, tatakbong Senador, papalit sa tatay, kay Senator Enrile! Talk about super-premature campaigning!

—-

This is my stand for 2013. What’s yours?🙂

P.S. Onti na lang, Sen. Alan Peter Cayetano, masasama na po kayo sa listahang ito. Kahit itago niyo pa po sa Pilipinas 2020 campaign ang sarili niyong political campaign, halata na po.

P.P.S. Senator Chiz Escudero, the more you stay on KrisTV, the more it becomes obvious na kinukondisyon niyo kaming iboto kayo. It’s unfair because you’re always on national TV three to five times a week, a feat the other 22 Senators cannot afford to have.

Discussion

9 thoughts on “Hindi Ko Sila Iboboto sa Senado!

  1. Si Tanada, ang kapal talaga ng mukha niyan. Ginagamit ang Freedom of Information Bill para masingit ang pangalan niya sa radio commercials.

    http://reklamador.net/index.php/14-politics/348-next-year-pa-ang-eleksiyon-mr-tanada

    Posted by Mark Tan | August 30, 2012, 12:06 PM
  2. I beg to disagree here. The tarpaulins are not the idea of Joel Villanueva himself, but they are sponsored from those who believe in him. Saka teka lang po, beep beep. I’d cross him out of my list kung wala syang nagagawang mabuti. Yung iba, wala na ngang naitutulong, masama pa ang ginagawa. Wouldn’t you want a senator who ACTS? Ako gusto ko.

    Posted by Angie Ng | September 1, 2012, 10:50 AM
    • Hi. First off, thanks for coming across my blog post.🙂

      I, too, would want a senator who acts. Who doesn’t? My point here is the unfair advantage his tarpaulins are causing, kahit ba siya or ang sponsors niya ang may pakana. Look at P-Noy. Ayaw niyang ilagay ang mukha at pangalan niya sa tarpaulins; he requested local officials and gov’t project managers not to. If Sec. Villanueva could also tell his sponsors to just use the name of TESDA in the agency’s and in the sponsors’ tarpaulins, I would strike him off this list, too.

      Plus points for TESDA in Albay noong pumunta kami doon ng family namin this past weekend. Anniversary yata ng isang TESDA school sa Malilipot, Albay. Simpleng TESDA tarpaulin lang ang ni-display. No faces, no Sec. Joel Villanueva’s name. Just the agency’s name and logo. Progress, in my view, and at least in some provinces.🙂

      Posted by qwertyatty | September 4, 2012, 9:58 PM
  3. tanong ko lang… bakit wala jan si allan cayetano. Ang ULTIMATE EPAL. WALA namang laman yung sinasabi pero gumawa ng commercial. Phillipines 20/20? ANO YUN? gaguhan?

    Posted by erick reyes | September 21, 2012, 11:07 AM
  4. ano ang tungkol sa pilipinas 2020

    Posted by faith brion | November 1, 2012, 6:31 PM
  5. yo boss! jibs here. this is a very nice post. =)

    Posted by twentyfirstcouple | November 4, 2012, 4:41 AM
  6. hmmm im with you on this epal ones but who else to vote for in the coming election? also don’t forget to cross out those who are establishing political dynasties coz they are violating our constitution. i guess i’ll just be wasting paper, wasting a little electricity, wasting my time waiting for my turn to vote and dirtying my thumb. although i think my vote to any1 i don’t know give and give chance to others.

    Posted by numeroh_uno | November 29, 2012, 7:47 PM
    • sorry for my typos.
      hmmm im with you on this epal ones but who else to vote for in the coming election? also don’t forget to cross out those who are establishing political dynasties coz they are violating our constitution. i guess i’ll just be wasting paper, wasting a little electricity, wasting my time waiting for my turn to vote and dirtying my thumb. although i think my vote will go to any1 i don’t know, give chance to others.

      Posted by numeroh_uno | November 29, 2012, 7:51 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: