//
currently reading...
Kung Ako ang Pangulo, Transportation

Traffic sa EDSA

Traffic in EDSA (From Flickr, courtesy of Rob Trent)

Ang Isyu

Ang iniinda nating traffic sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, o EDSA. Araw-araw tayong naiinis, araw-araw tayong nagtitiis.

Sa bawat pagbaybay natin sa EDSA, lagi tayong nakaka-isip ng mga ideya para kahit papaano’y gumaan ang traffic dito. Pero kadalasan, “nata-traffic” din sa isip natin ang mga ideyang ito. Siguro dahil tinatanggap na lang nating mahirap tugunan ang malaking problemang ito.

Ito na ang pagkakataon nating maitala ang iba’t iba nating mungkahi para lumuwag ang daloy ng trapiko sa EDSA. Mag-comment lamang po sa entry na ito, o ‘di kaya’y mag-email sa michaelbueza@gmail.com. Ike-credit po ang inyong suhestyon kapag naisama sa entry na ito.

Ilang Panukala

1. One-Lane Bus Transit System
Matapos ang bus bombing sa Buendia noong Pebrero, nag-post po ako sa QWERTY Attorney ng entry tungkol sa suhestyon ng mga bus driver na mag-install ng security cameras sa lahat ng bus sa EDSA.

Doon ko rin po ipinakilala ang ideyang “i-centralize” ang bus rapid transit system ng Metro Manila, tulad ng mayroon sa Seoul, South Korea.

Sa kabuuan, mabubuwag ang lahat ng kasalukuyang bus companies, kapalit ng isang unified bus company na maaaring pamunuan ng MMDA. Ibig sabihin rin nito, magiging pare-pareho ang itsura ng mga bus.

Mananatili ang mga bus na ito sa outermost lane ng EDSA, hindi tulad ng kasakuluyang two-lane system. Maiiwasan dito ang pagdaan at paglipat-lipat ng mga bus sa iba’t ibang lanes (tulad ng nasa larawan sa itaas).

Consequently, magkakaroon din ng pormal na bus stations. Dito lang magbababa at magsasakay ang mga bus, ‘di tulad ngayon na kung saan-saan humihinto ang mga bus, kahit sa gitna ng daan.

Maaari ring mag-install ng iba’t ibang technologies, tulad ng: GPS chips at security cameras sa mga bus, bus tracker displays sa bawat bus stations (tulad ng sa airport at LRT-2), at e-ticketing system.

In short, ihahalintulad natin ang one-lane bus-transit system sa MRT-3. Ano sa tingin ninyo?

Iba Pang Usapin

Narito ang iba pang mga “isyu” tungkol sa EDSA na maaari nating pag-usapan dito.

  • “colorum” vehicles
  • number coding
  • sidewalk vendors

Discussion

5 thoughts on “Traffic sa EDSA

  1. Great solution. But think short term. How do you get all the bus companies to unify? If we were to follow the said system for buses, then that would also mean less buses and no conductors right? What will happen to the other workers then? There are other factors to consider but this could help out in building an even better system for EDSA.

    Posted by Rawr | August 22, 2011, 1:40 AM
    • Thank you very much for your response, Rawr. Cool!

      > How do you get all the bus companies to unify?
      Yup, you’re right. Convincing them to close their businesses (or at least downsize it) will be hard to do. All I could think of as of the moment is for the “unified bus company” to resemble a corporation: each bus company will be a stakeholder.

      > … less buses and no conductors right? What will happen to the other workers then?
      (1) Under Solution #1, an adequate number of buses will be ensured to accommodate the large volume of commuters riding buses in EDSA. Increasing the capacity of the buses (perhaps by redesigning it) is another idea.
      (2) If the corporation idea pushes through, workers that might be laid off by the bus companies could work for the corporation itself as office personnel. That way, hindi lang sila driver at conductor habambuhay.

      (I myself has something to ask: if the buses will be replaced or redesigned, what will happen to the old buses?)

      Nice points you’ve raised here, Rawr. I hope others could also participate to refine Solution #1, and suggest more solutions for EDSA. Again, thanks!

      Posted by qwertyatty | August 22, 2011, 8:12 AM
  2. i think it’s impossible atty. one-lane bus system cannot be done in the Philippines, tingin mo ppayag sila khit utos ng gobyerno?, i think hndi sila ppayag at lalo lng magkakagulo, i think the only solution khit madaming bus comapanies sa pinas e disiplina at sa tingin ko dpat mgumpisa muna un sa gobyerno ng pinas, kng ang mismong gobyerno ang iresponsable at kurap what do you think its people are like?, at sa tingin ko na inabuso ng pilipinas at ng mga pilipino ang kalayaan sa bansa ntin, gusto ko din malaman ung opinion mo sa “abused freedom” sa pinas.

    Posted by Christopher Lim | August 26, 2011, 3:30 AM
    • Yo! Nice to hear from you, Christopher! Long time, no see!

      I definitely agree na matagal nang sakit ng Pinoy ang kawalan nito ng disiplina. Naisasantabi ang kaayusan at rule of law, basta ba may hanapbuhay at may mapagkakakitaan. Nagkaroon pa tayo ng batas kung ‘di naman pala susundin? That, in itself, is “abuse of freedom”.

      Sabi ko nga sa naunang nag-comment, mahirap kumbinsihin ang mga bus companies na magsara na lang nang basta-basta in favor of one “bus corporation”. This one-lane EDSA bus transit suggestion would really be tough to implement, but I’ll support it in the name of discipline. Para sa ikaluluwag ng traffic sa EDSA.

      With that said, naniniwala akong hindi totally impossible ang ideyang ito. “Imposible” at “cannot be done”, yes, but as of the moment. Sa ngayon, mahirap talagang isipin na mapapatupad ‘to.

      Pero once we realize that this may be a win-win solution for all of us, at sabi mo nga, once na umayos ang gobyerno natin, this idea may see the light of day. Nainggit lang talaga ako sa maayos na bus transit system sa Seoul, South Korea. Kung nagawa nga nila, tayo pa kaya?

      I also agree na dapat magsimula sa gobyerno ang pagbabago. Pero dapat ding magsimula sa ating lahat. Dahil ba iresponsable at kurap ang gobyerno, dapat ganun din tayo? Tatanggapin na lang ba natin lagi ang pinaggagagawa nila? Wala talagang mangyayari sa ‘tin kung ganun!

      Ika nga ni Edmund Burke, “All that is necessary for evil to triumph is for good men to do nothing.”

      Thank you for reading through the post, and thanks for commenting! Sama ka naman sa CNE71 reunions! Hehe…

      Posted by qwertyatty | August 30, 2011, 9:53 AM

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: Traffic sa EDSA [Updated] « QWERTY Attorney - August 1, 2012

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: