//
currently reading...
My QWERTY Life

Tutor Days

Most of my friends know me as a smart kid. (Smart na ako dati pa. Wala pa akong naging Globe o Sun na number. LOL!) Siyempre, alam ng pamilya ko na “matalino” ako. Ako, ang alam ko lang, marami akong alam.

As far as I know, “intellectual” lang ako. (Gifted? Sa “talino”, oo. Special? Depende sa definition.) Marami akong alam sa Math, sa History, sa iba’t ibang subject sa school, sa balita, at marami pang iba. Pero hanggang doon na lang ‘yun. Hangga’t maaari, hindi ko mismo sinasabing matalino ako dahil ayaw kong isumbat sa akin ‘yun ‘pag nagkamali ako. Enough said.

Pero nakakataba ng puso ‘pag alam ng ibang tao na “matalino” ka, kahit hindi mo sabihin. Alam nila dahil sinabi rin ng iba sa kanila, at napapatunayan mo naman. Hindi mo na kailangang magyabang at magpakitang-gilas.

—–

Ika nga ng isang kasabihan, sayang ang talino kung hindi binabahagi. Kaya naman, sa unang pagkakataon, naging tutor ako ng apat na bata.

Wala sa plano ko ang maging tutor. Maging teacher o professor balang araw, oo. Pero dati kasi, hindi ko trip maging tutor kasi (1) Masyadong exclusive ‘pag one-on-one (Paano naman yung iba?), at (2) Ayokong binabayaran ako sa pagbabahagi ng nalalaman ko. Eh libre lang naman dapat yun.

Bakit ko tinuloy?

  • (1) Dahil Math ang subject, at isa sa mga paborito ko yun. Maraming estudyante ang nahihirapan sa Math, kaya gusto ko sanang i-share ang mga techniques sa pag-solve ng Math problems at equations sa kanila.
  • (2) Family friends kasi namin ang pamilya ng una kong tutee (tawag sa tinuturuan ng tutor).
  • (3) OK lang sa kanila na “irregular” ang bayad. That is, hindi nila ako babayaran per tutor session, at hindi rin ako maniningil. Bahala rin sila kung magkano ang gusto nilang ibigay sa akin bilang kabayaran.

Si Sam ang una kong tutee. Fourth year high school student sa Pateros Catholic School.

Sa Math at Physics ko siya tinutulungan. Masaya naman ako dahil mabilis siyang matuto, at nakukuha niya naman ang concepts sa Physics, kahit na minsan eh bopols ang mga examples ko. Minsan, sabay kaming nag-aaral at natututo ‘pag may nakakalimutan akong mga ideya. Nakakatuwa dahil OK lang sa kanya ‘yun, basta may naituturo ako.

Dahil pa-graduate na siya ng high school, hinihingan niya ako minsan ng payo kung saan siya magka-college. (In the end, Letran ang pinili niya.)

Kalaunan, nauwi sa iba’t ibang usapan ang pagtyu-tutor ko. Tungkol kay God, sa mga diskarte ko sa pag-aaral, sa mga prinsipyo’t paniniwala naming dalawa, sa mga opinyon ko sa balita, at sa iba pang bagay-bagay sa buhay. Dito ako nag-enjoy kasi “beyond the call of duty” na ‘to, eh. Hiningi niya rin naman ito, kaya bakit ‘di ko ibibigay? Dahil dito, lalo akong naramdamang at home ako sa bahay nila, at hindi lang talino ko ang habol nila sa akin.

Ultimately, the link became less of a “tutor-tutee” kind, and more of a “brother-sister” one. Nabigyan ako ng isang avenue to speak out my mind, and Sam is willing to listen. Same goes vice versa. And Sam is mature enough to choose what to believe among those I’ve said to her.

Finally, I can say (and feel) na eager matuto si Sam. Hindi mo mararamdamang napipilitan lang siya. In fact, OK na OK lang sa kanya na tumagal ng dalawang oras ang pagtuturo ko.

My “rewards”? Nung una, P 1,000 ang binigay nila sa akin. Tapos noong Pasko, niregaluhan ako ni Sam ng Bench na bag at wallet. Kailan lang, sagot na ng pamilya niya ang isusuot ko sa graduation: long sleeve at pantalon daw, sabi ni Mama. (Nakuha ko na yung long sleeve.) Remember, hindi ko ‘to hinihingi sa kanila at hindi ako humihingi ng kabayaran. In fact, nahihiya pa nga ako kasi mahal at magaganda ang regalo nila sa akin, samantalang ako eh puro talino at abstract objects lang ang kayang ibigay bilang kapalit.

Ang sweet talaga nila! Mabasa man nila ito o hindi, I just got to say this: thank you, Sam and Justine! Thank you rin kina Ate Joy, Ate Jackie, Kuya Bong, Bennie the pitbull, at sa buong Navalta family sa pagtanggap at pag-aasikaso sa akin. Thank you very very much po!

—–

My second tutee: si Carlos. Grade 5, Lourdes School of Mandaluyong. Literally, I asked myself, “Kakasa kaya ako sa Grade 5?”

Sakto lang naman, kasi sa basic Math at Geometry ko siya tinutulungan. Mabilis rin matuto. For his age, mature na rin siya mag-isip. Marunong na rin siyang mag-prioritize: ‘pag oras ng laro, laro; ‘pag oras ng pag-aaral, aral. Maganda ang pagpapalaki sa kanya.

One time, nung hindi ako nakapunta sa bahay nila, tinanong niya raw ang Dad niya, “If he promised to come at 5:00 PM, and he arrives at 6:45 PM, is it still OK?” Kung hindi pa raw kasi ako dumating, mag-i-Internet na raw siya sa computer shop. Ouch.

—–

My last two tutees (for now): si Noah at DJ. Magkapatid yata, di ako sure. Si Noah, 3rd year student, sa Trigonometry humihingi ng tulong. Si DJ, Grade 4, sa isang private school sa Taguig, at sa Math din nahihirapan. Exam kasi nila this week, kaya nagpaturo. It’s good to know na alam nila ang basics ng tinuturo ko. Nahihirapan lang sila nang kaunti sa kung kailan at paano gamitin.

Ang kaibahan nga lang sa naunang dalawa, nagbayad ang tatay nila after our one-time session. Siyempre, wala akong rate, kaya OK lang kahit magkano ang ibigay nila. In fact, kahit wala nga, OK lang eh.

—–

Would there be more to come next school year? Too bad, baka wala na.

Siyempre, graduate-graduate din. Magtatrabaho na ako siguro starting this summer, kaya baka wala na akong oras na mai-a-allot sa tutoring. Pero, susubukan ko pa rin.

Nag-enjoy na rin kasi ako sa pagtyu-tutor sa kanila. Hindi lang kasi sila ang may natututunan from me, ako rin may natututunan from them: life lessons.

Kung stepping-stone man ito sa pagiging professor ko someday, then so be it.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: