//
currently reading...
2010 Barangay Elections, Opinions

Palpak?

Unang-una, hindi palpak ang naganap na Barangay at SK Elections noong October 25. Oo, na-postpone ang eleksyon sa humigit-kumulang 5,400 na barangay sa buong bansa. Oo, nagkaroon ng maraming aberya. Pero unfair na isisi sa COMELEC ang lahat at bansagang palpak ang COMELEC at ang Barangay Elections.

We have to understand that COMELEC made a lot of effort in making this election work. Dahil hindi siya automated (dahil napaka-impraktikal nito, sa dami ng barangay sa Pilipinas), nakita nating muli ang mga dilaw na ballot boxes. Kaya, makakapandaya ulit ang mga walang-hiya. Doon sila sanay, eh.

Hindi naman mako-kontrol ng COMELEC ang lahat ng tao’t kandidato. Nandoon sila para siguruhing maisasagawa natin ang karapatan nating bumoto, pati na rin maprotektahan ang “sanctity of the ballot”.

Ang dapat nating sisihin ay ang mga kandidatong mandaraya, mga opisyal na kaban ng bayan lang naman ang habol. Pati na rin ang mga taong “nabayaran” para tulungan silang manalo. Isama na rin natin dito ang mga kriminal na uma-ambush at pumapatay sa mga nanalong kandidato.

Paano tayo aahon bilang isang bansa, kung sa barangay pa lang ay magulo na? Paano natin maaayos ang sistema, kung sa barangay pa lang eh marami nang tiwali?

Sana, sa mga susunod na barangay elections, mas maging pulido ang proseso ng botohan. Mapanatili itong partial at non-partisan, para makapili nang mabuti ang komunidad ng mga susunod nilang lider. Maka-isip din sana ang COMELEC ng isang efficient at cheating-proof na election system. Panahon na siguro para iretiro ang mga yellow ballot boxes, dahil tila sinisimbulo nito ang mga nagaganap na dayaan tuwing eleksyon.

Pabor din akong buwagin na ang Sangguniang Kabataan, at magkaroon na lamang ng isang Youth Representative sa bawat barangay. That way, mas mararamdaman nating may kabataang lider sa barangay, dahil mako-compel siyang maging aktibo sa komunidad. Ikumpara mo naman sa pito o walong SK Kagawads na karamihan eh naghahantay lang ng gagawin.

~~~

As for my experience, mabilis naman kaming nakaboto nong October 25. Kasi 7:00 pa lang, nakapila na kami. Thirtyminutes later, tapos na kaming buong pamilya. Si Papa nga, pinili munang bumoto bago siya dumeretso sa kanyang arkila sa Banaue, Ifugao. (Driver ang aking Tatay.)

Matindi kasi ang labanan sa pagka-kapitan sa aming barangay: walo silang kumandidato, kabilang ang # three-term naming outgoing barangay captain, # ang kanyang kapatid, # isang commentator sa aming simbahan, at ang # aming kapitbahay na doktora na dating kagawad.

Tapos, naging outside watcher kami ni Mama hanggang sa katapusan ng botohan, noong 3PM. Doon kami nakarinig ng usap-usapang nagka-dayaan na raw. Ito ang ilan sa mga narinig ko:

  • May apat daw na ballot boxes na itinago ng isang kandidato. Isinama daw ito sa bilangan during canvassing.
  • Nabayaran na raw ang mga tauhan ng COMELEC bago pa man ang eleksyon. At…
  • Wala raw natanggap na boto ang isang kumandidatong barangay captain sa precinct niya mismo.

How was your barangay elections experience? Bumoto ka ba? Natanggal na ba ang indelible ink sa kanang hintuturo mo? (Hindi pa rin kasi sa akin eh…)

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: