//
currently reading...
Opinions

The Philippines Can Be Great Again!

[Read Part 1 here]

[Second of two parts]

These events have happened in the past, but it seems that we still don’t get the lessons from each one. “Kasi, nangyari na eh. Ganito pa rin naman ang sitwasyon natin, kahit anong gawin natin.” Habang nawawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili at sa pag-asa ng Pilipinas na umunlad, eh talagang walang mangyayari sa atin.

Karamihan sa atin, naghahangad na mapaganda ang buhay nila, pero wala namang ginagawa para sa sarili nila. Reklamo nang reklamo, pero pati pala sila ginagawa ang problemang inirereklamo nila. Palaging umaasa sa gobyerno, to the point na kapag wala nang maibigay sa kanila, magsisisigaw sila na wala raw ginawa ang gobyerno para sa kanila.

Karamihan sa atin, tila kuntento na sa buhay nila, at maghahantay na lang ng swerte o ng isang “tagapagligtas”, na “nakikita” naman nila sa isang huwad na pulitiko o isang mahanging artista.

Karamihan sa atin, hindi sumusunod sa batas dahil pati mga opisyal ng gobyerno na gumagawa ng batas, mga pulis na nagpapatupad nito at mga huradong nag-i-interpret nito, nilalabag ang batas.

Karamihan sa mga mayayaman, nandidiri sa mga mahihirap. Imbes na tulungan, minamaliit pa. Karamihan naman sa mga inaapi, gustong maging mayaman para makaalis sa sitwasyon nila, tapos makakalimot sa kanilang pinanggalingan.

Parang sinasabuhay ng karamihan sa atin ang mga telenovela sa TV. Tsk, tsk, tsk.

~~~~~~~

Para sa akin, hindi lang graft and corruption ang ating pinakamahigpit na kalaban.

Ang pinakamatindi nating kaaway: tayo mismo. Our national attitude, to be precise.

Simula nang nagbabasa ako ng dyaryo at naging aware sa sitwasyon ng ating bansa, laging personal na interes ng iilan at ng mga makapangyarihan ang nananaig. At hinahayaan naman ng karamihan sa ating mangyari ito, sa pamamagitan ng pagboto mismo sa mga huwad na pulitiko kapag eleksyon. Ang mga pulitiko naman, magagaling sa pagpapa-ikot ng batas para lagi itong nakapanig sa kanila.

Matindi ang “mine-mine-mine” attitude dito sa Pilipinas. “Kapag may biyaya, dapat meron ka. Kapag hindi ka nabigyan, sasabihin mong madaya, kahit na mas kailangan ito ng iba.”

Matindi rin ang pagiging sikat dito sa Pilipinas! Talo pa ang sikat ng araw! Akala mo kung sino nang umasta. Ang yaman-yaman na nga, nagpapayaman pa! At kailangan nating malaman ang bawat kilos at problema nila, na parang isang papansing bata. Guaranteed na daw ang pera kapag sikat ka, kaya go! Kahit na baluktot na ang ugali ng ilan, patuloy namang nahuhumaling ang karamihan sa atin sa kanila.

Maski mga simpleng batas, hindi magawang sundin ng karamihan sa atin. “BAWAL UMIHI DITO” pero sige lang, ihi! “NO SMOKING IN THIS AREA”, pero sige lang sa paninigarilyo! Pati mga benepisyo sa mga matatanda’t disabled, nagagawang makuha ng mga hindi naman dapat makakuha. Kapwa tayo nagdadayaan, at gobyerno lang ang ating sisisihin.

Wala rin tayong sense of nationalism. Flag ceremony, singing of the national anthem, pero tuloy pa rin ang daldalan. Ang kanang kamay, wala sa dibdib; may hawak kasing cellphone. Nahihiyang kumanta ng “Lupang Hinirang”, kasi hindi rin naman kumakanta ang ibang tao. Para sa karamihan sa atin, patay na sina Rizal, Bonifacio, Mabini, del Pilar, Quezon, Magsaysay, at Aquino. Wala naman silang magagawa sa sitwasyon nila ngayon. Ah, so yung mga ipinaglaban nila hanggang sa kamatayan nila, mauuwi na lang sa wala? Kung wala sila, walang Pilipinas!

Teka, iniisip pa ba natin ang bansa, o puro sarili na lang natin? Sino ba naman ang mokong na magpapa-picture sa harap ng bus na pinangyarihan ng Manila hostage crisis? At nakangiti pa, ha! AT MGA PULIS PA! Kapal talaga!

~~~~~~~

As a nation, we need to change our attitude. Plain and simple.

Huwag nating hahayaang makompromiso ang ating pambansang interes ng mga ganid at makasarili.

Magtulungan tayo, imbes na maging makasarili’t maghilaan pababa. Wala tayo sa isang teleserye, nasa totoong mundo tayo.

Mag-isip tayo ng mga solusyon na aayon at susunod sa mga batas, at magbibigay-halaga sa social justice. Huwag tayong maging parte ng problema at magdagdag pa sa napakaraming pasakit ng ating bansa. Mag-focus tayo sa paglutas, hindi sa pagpapahaba ng proseso. The longer things drag on, the more people (lalo na tayong mga Pinoy) would get bored of it.

Tama na ang short-term thinking at short-term solutions. As a nation, saan ba natin gusto pumunta? ‘Pag nalaman natin ang sagot, itanim natin ito sa ating mga utak, at lagi nating isapuso.

Tama na rin ang pag-depende sa gobyerno. Tama na ang pagdepende sa isang “tagapagligtas”.

Panahon na para magtiwala tayo sa ating mga sarili, at sa kakayahan natin bilang isang bansa. We’re still an agricultural country. Filipinos have a high literacy rate. We have many talented, skilled people amongst ourselves. Sikapin nating mapunta sa Pilipinas — at mapunta mismo sa atin — ang ating mga pinaghihirapan. Tama na muna ang pag-export ng mga mahahalaga sa atin at kailangan natin, tulad ng mga kakayahan ng mga OFW’s, nurses at teachers. Tama na muna ang pag-i-import ng mga bagay na kaya naman nating i-produce dito sa bansa.

Suportahan natin ang mga nagtatagumpay sa ibang bansa, hindi ‘yung magdududa pa tayo sa kakayahan nila.

Matagal nang sinasabi sa ating dapat magsimula ang pagbabago sa ating mga sarili. Lahat ng 15 Pangulo ng bansa, ito lang ang hiningi mula sa atin sa kanilang inaugural speeches. Bakit kaya hindi natin magawa?

~~~~~~~

And finally, let’s learn from our mistakes and repair our tainted national identity. Payag ba tayong makikilala ang Pilipinas sa corruption, poor governance at indolence? Bibisita ba ang mga dayuhan sa isang bansang hindi magbibigay ng sapat na proteksyon sa kanila?

Habang nagtatagumpay ang mga OFW’s at iilang personalidad sa ibayong dagat, nandito tayo sa sarili nating bakuran, nagdurusa, nagtitiis sa kalunus-lunos nating sitwasyon.

It’s now time to get our acts together. Panahon na para mag-isip naman ang bawat Pilipino para sa kapakanan ng bansa. No more excuses, dahil ubos na ang lahat ng palusot, gamit na gamit na. It’s time for serious actions. It’s time for concrete solutions.

Dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa bansa, naniniwala ako (at maniniwala ako hanggang sa kamatayan ko) na ang bansang ito ay may pag-asa pa.

Tandaan na lang natin: with freedom comes responsibility.

~~~~~~~

Commonwealth Era. The 1950’s and 1960’s. Let’s make a third Golden Era in Philippine history possible.

We can do this! This country can be great again, I’m sure of that!

Discussion

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: Can The Philippines Be Great Again? « The Stand: QWERTY Attorney - August 29, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: