//
currently reading...
Opinions

Can The Philippines Be Great Again?

[First of two parts]

First off, let’s not forget that despite what happened these past few weeks — the Manila Hostage Crisis, Venus Raj’s “major major” flub, cases of police brutality, bus accidents, Willie Revillame — may mga Pinoy pa ring hindi sumusuko sa Pilipinas. Mga Pilipinong naniniwala pa ring may pag-asa pa ang bansa. Na sa kabila ng lahat ng ito, we’ll show to the world yet again our amazing resiliency, like we have done in the past.

Frustrated lang ako ngayon kasi our country’s situation has been the same for the past five decades. Fifty years, man! Kailan tayo kikilos bilang isa? Hanggang kailan tayo maghahantay?

Hindi pa tayo napapagod kakahantay? Kapag late nga mga date natin, naiinis tayo agad. Pero ‘pag ang pag-unlad ng Pilipinas, di pa rin dumarating, parang wala lang sa atin. Why does our country’s progress need to take a backseat every time?

~~~~~~~

Let’s have a little history lesson, shall we?

We were under Spain for more than 300 years. May mga lumaban, pero maliliit na grupo lang. Nagpadala sa takot ang karamihan, at sinabi na lang sa sariling makuntento sa kung anong buhay meron sila. So, kailangan muna talagang mamatay ni Rizal bago tayo mag-organisa ng isang malawakang giyera laban sa mga Espanyol?

Oo, mula 1899 hanggang 1935, hinanda at sinanay tayo ng Amerika para sa isang Commonwealth Government. Pero huwag nating kalimutan: pumayag ang mga Amerikano sa isang “Mock Battle” sa Maynila para kunwari, sumuko ang mga Espanyol sa kanila. Pero, planado ang lahat ng ito, at nauwi sa pagbebenta ng Pilipinas sa Amerika sa pamamagitan ng Treaty of Paris. Sa’n ka naman nakakita ng isang bansang “binebenta”?

Noong Battle of Corregidor, umasa ang mga sundalong Pinoy at Amerikano sa reinforcements mula sa mainland USA, habang ang isla’y patuloy na binobomba ng mga Hapon. Pero walang dumating. Sinakop tayo ng mga Hapones nang halos tatlong taon. And all the while, we played Japan’s games and waited for America’s help.

(Siguro, aatras ako dito nang kaunti sa punto ko kasi nga naman World War II. Matagal itong pinagplanuhan ng Japan, at walang nagawa ang Amerika dahil maski sila, nagulat — Pearl Harbor pa lang eh. But still, natapos ang lahat ng major efforts natin sa Death March; ang HUKBALAHAP, hindi masyadong ginawan ng paraan para palakasin ang hanay nila. Plus, late 1930’s pa lang, may mga senyales na ng Japanese invasion, pero hindi natin pinansin.)

From 1972 to 1981, the Philippines was under Martial Law. Which is funny, kasi ang “sumakop” sa buong bansa, si Marcos at ang kanyang mga cronies, karamihan ay mga Pinoy din. Same question goes here: so, kailangan munang mamatay ni Ninoy, maghantay nang tatlong taon, at magalit sa resulta ng isang snap election, bago tayo mag-organisa ng People Power?

~~~~~~~

Huwag niyo naman sana muna akong husgahan. Our country had its great moments, and I can name two: during the Commonwealth Era (1935 – 41) and the first two decades after World War II (1950’s and 1960’s).

The foundations of our current government structure were built before 1935, and were strengthened during the Commonwealth years. We held our first-ever nationwide Presidential election, with Manuel L. Quezon winning. Tayo mismo ang nagpapatakbo sa bansa, dahil tayo ang mas nakakaalam sa ating sitwasyon.

Pagkatapos naman ng World War II, mabilis tayong nakabawi mula sa delubyong iniwan ng giyera. Nakipagsabayan ang ating ekonomiya sa Japan at Korea, kahit na naging magulo at maingay ang pulitika, at namatay sina Presidente Roxas at Magsaysay. The Philippines actually became the #2 economy in Far East Asia (behind only Japan) during the 1960’s, and thus was seen as a very promising country.

That is, until Martial Law and Marcos’s “New Society” idea came.

~~~~~~~

Tapos, since People Power, ano nang nangyari?

We actually ousted President Estrada through another EDSA People Power, three years after giving him a landslide victory in the 1998 elections.

Then, we re-elected the country’s second woman President (and/or were eager to elect an actor without any political experience) in 2004, despite her saying in December 2002 that she will not run for President anymore.

Sa pagkapanalo ni Mrs. Arroyo, we actually allowed her to stay in power for nine years, the second-longest Presidential tenure next to Marcos’s 21-year reign, and the same length of time when the Philippines was under Martial Law. Despite numerous impeachment attempts, she stayed in power because of giving favors to her allies, so that she’ll be in the winning end of a “numbers game” in Congress.

During her Presidency, numerous scandals were exposed, but were never solved with finality. Typhoons and other disasters wreaked havoc in the country, and we consistently suffer big-time in the aftermath of each one. And arguably the grimmest massacre in post-War history took place during her administration, and were perpetrated by a political clan, members of which are among Arroyo’s staunchest allies.

~~~~~~~

Inis na inis pa rin ako sa mga inasal nating lahat noong Manila hostage crisis.

Ang mga pulis, parang nahiya pang tapusin ang isang hostage crisis, kahit na may mga pagkakataon silang gawin ito. Walang handang magsakripisyo ng buhay para kalabanin ang iisang hostage taker. Walang nangangahas na maging bayani. Kapag nagtagumpay ang operasyon, credit grabbing agad ang mga heneral at pulitiko, para mabango ang pangalan nila sa susunod na eleksyon. (Here’s looking at you, Mayor Lim!)

Sa tingin ko, hindi naman sapat na dahilang walang sapat na equipment ang pulis. Sa tinagal-tagal na meron kayo niyang mga gamit na iyan, hindi ba kayo nakaisip ng paraan para magamit ang mga iyan to its fullest? So, kailangang hantayin ang gobyerno?

Ang media, sa pagtupad sa kanilang sinumpaang trabaho, eh mas nakatulong pa mismo sa hostage taker. Ayaw naman nilang aminin — todo-tanggi at laging nasa “defensive mode”. Unahan pa nga sila sa best angles at blow-by-blow coverage. So, business, ratings at pera dapat palagi ang dapat mauna?

At hindi ba pwedeng ang mga pulis na lang ang mag-imbestiga? Kailangan ba laging mag-probe ang Senado at Kongreso, complete with LIVE media coverage? Kailangan ba laging may grandstanding? Kailangan bang laging mauna ang pagpapasikat bago ang paglutas sa kaso?

Habang tayo naman, pinanood ang buong hostage crisis, na parang pelikula sa pinilakang-tabing. Parang may shooting sa harap ng Quirino Grandstand. Pinanood natin habang nagbabarilan ang suspek at mga pulis. Nag-aalala tayo sa nangyayari, pero deep inside natutuwa tayo sa ating napapanood. Hindi natin magawang patayin ang TV dahil hindi tayo ma-a-update sa kung ano na ang nagyayari. (Mike Bueza: guilty as charged.)

Pagkatapos mamatay ng hostage taker, hala sugod! Usisa! Walang police line eh! Wala ring pulis na mahigpit na nagpupumigil sa pagdagsa ng tao at media.

~~~~~~~

I believe we all caused this hostage incident. Ang ating mga ugali ang dahilan ng hostage crisis na ito. Bawat pulis, bawat opisyal ng gobyerno, bawat miyembro ng media, bawat Pilipino, damay dito. We all had this coming, yet iba ang inuna natin: ang ating mga pansariling kapakanan.

Tama na sana ang pagde-deny. Natatakot maparusahan ng batas ang mga may pagkakamali, may mga kasalanan. Walang nananagot at umaako ng responsibilidad. Iiwasan ang bigat ng parusa sa bawat pagkakataon, hanggang sa magsawa ang otoridad at kalimutan na lang ang lahat.

Essentially, we are letting ourselves break the laws we passively approve — meaning, wala tayong panahong usisain ang bawat batas na ginagawa ng Kongreso. Dahil walang kumo-kontra, pasado ang batas. Parang wala na ring rule of law, kasi it’s interpreted in ways that the ones in power would benefit and be able to get out of their wrongdoings.

Sana eh magsimula na rin ang re-evaluation sa nangyaring insidente. Para malaman natin ang lapses ng bawat personalidad na involved, para malaman natin ang mga gagawin kung sakaling may ganito ulit na insidente. Hindi para malaman natin kung sinu-sino ang sisisihin. Let’s focus on the processes, please!

[Click here for Part 2]

Discussion

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: The Philippines Can Be Great Again! « The Stand: QWERTY Attorney - August 29, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: