//
currently reading...
My QWERTY Life

Internet Rules

[Procrastination Mode]

And what better way to spend it than here, on the Internet, around the virtual realm that is the World Wide Web!

But of course, just like in the real world, danger lurks around in every corner, seeking its next victim. Spammers, scammers, key loggers, blackmailers, identity thieves…

Tulad ng mga kriminal sa mundong ibabaw, hindi mo kaagad makikilala ang mga manloloko sa Internet, at kung anu-ano ang mga motibo nila. Pero hindi tulad sa tunay na mundo, maaaring na-kompromiso na ang privacy mo at nanakawan ka na, hindi mo pa alam.

Lalo na dito sa Pilipinas, kung saan malakas ang Internet usage ng mga Pinoy. Pinatutunayan ito ng napakaraming Pinoy Internet users na may accounts sa Friendster, Multiply at Facebook.

Ang mahirap nga lang, eh hindi pa ganoon ka-stringent ang mga naipasa nang batas tungkol sa Internet privacy at pagsugpo sa cybercrimes.

Kaya dapat, hindi ka lang basta-basta nagba-browse sa Internet nang hindi mo sinisigurong ligtas ka pagkatapos mong “mag-gala”.

Ako pa naman ‘tong laging sa computer shop (at sa opisina) nag-i-Internet.

Kaya heto, ishe-share ko sa inyo kung anu-ano ang sinusunod kong “rules” ‘pag nag-i-Internet ako sa labas. Sana eh ginagawa niyo rin, kahit na sa bahay kayo gumagamit ng PC.

~~~~~~~

Have two or more e-mail addresses. Bukod sa college e-mail namin, may dalawa akong e-mail addresses. ‘Yung sa GMail eh for my “casual” Internet use (meaning, gamit ko sa Facebook, at sa pag-login sa iba’t ibang accounts). Pero yung sa Yahoo! Mail, eh strictly for my personal, official use. Hindi ko masyadong ginagamit sa pagko-compose ng messages (unless importante talaga).

Strengthen all your passwords. Huwag lang isang password sa lahat ng online accounts mo. Ako, I have four main passwords, pero iba-ibang variations/combinations ang gamit ko para sa bawat account. Kaya kahit malaman nila kahit isa sa mga passwords ko, hindi given na ganun na ganun din ang password ko sa iba kong accounts.

Change your passwords regularly. Hindi naman buwan-buwan, pero siguro every four to six months. Syempre, ‘pag nagbago ka ng passwords, huwag mong kalimutan!

Never EVER give your password to anybody. Kahit sa kaibigan mo. Kahit sa kapatid mo. Kahit sa BF/GF mo. Kahit sa asawa mo.

Careful in typing in forms. Baka yung password mo eh nata-type mo na sa username field. Huwag basta-basta ang pindot sa Tab key. Maraming beses ko nang aksidenteng nagagawa ‘yun.

keyhole 1's and 0'sLog out of all accounts, then clear all browsing data after use. Kahit anong browser pa gamit mo, make sure you’ll do this. Minsan kasi ‘pag ako na ‘yung next sa PC sa computer shop, may nakakalimot na mag-log-out sa Facebook. Buti na lang, mabait akong bata. Kung hindi…

Accept friend requests of only those you know. May iba kasing nagpapaligsahan sa Internet, paramihan ng Friends. Kaya nga Friends eh, (1) mga kaibigan mo sila, (2) na kilala mo, (3) sa personal. Sa Facebook, sigurado akong kilala ko bawat isa na nasa Friend Lists ko.

Never EVER display your middle name or your full name online. Ako ang gamit ko lang, Michael Bueza o Mike Bueza. Malimit ko lang i-reveal ‘yung full first name ko. At hindi ko pa sinubukang ipagyabang ang middle name ko online. Di tulad ng mga ginagawa ng ilan kong Friends sa FB – for vanity, pero baka ma-kompromiso sila sa kamay ng mga identity thieves.

Be careful in sharing your home/street address. For privacy purposes. Maraming stalkers diyan.

Nothing beats closing deals, availing stuff, and meeting people in person. Especially when money is involved. Mahirap na. Pera pa rin ‘yan eh. Mag-ingat kapag pinagkakatiwala mo ang pera mo sa Internet.

Don’t download just about anything, click just about everything. Walang contest sa paramihan ng clicks at downloads. Malulupit ang mga virus, Trojan horses, at Internet criminals ngayon. Huwag basta-basta ma-enganyo sa easy money. ‘Pag may nalaman kayo, (1) huwag niyong papatulan, at (2) kunwari patulan niyo, tapos isumbong niyo sa otoridad. Itimbre niyo sa XXX o sa Imbestigador, para mahuli. Malay niyo, maging bayani/future journalist/future spy/artista ka pa niyan!

Practice Netiquette and E-mail etiquette. Mga tao pa rin ang nasa Internet at gumagamit ng Internet. Hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa, kahit nasa Internet ka na. IWASAN ANG ALL CAPS SA E-MAIL MESSAGES AT COMMENTS, TULAD NITO. Pwed3 PAh rIN n@muan aNG ♥ xD ♥ jeJem0n p0wZ, PER0W owntey l@ng @N6 iintInd3h @t SezERy0wZoH suah y0w j3JEj3Je~~~. (Na-gets mo yun?) Iwasan din ang sobrang pagmuumra (Ay F*ck! Typo!), pati na rin ang paninira sa katauhan ng ibang tao (tulad ng ginagawa sa showbiz websites).


Tandaan: With freedom comes responsibility.

~~~~~~~

Heto naman ang ilang suggestions na maaari mong i-practice habang nasa Internet ka. Hindi naman siya masyadong necessary, pero baka makatulong sa inyo at some point.

[Yung huli, hindi ko pa nasubukan/nagawa.]

Use Firefox. Or Chrome. Install the AdBlock add-on/extension. Komportable na akong mag-browse sa una. Enjoy naman ako sa pangalawa kasi mabilis. Both support the AdBlock add-on, kaya tanggal na lahat ng mga banner ads sa iba’t ibang websites. Pero sa Firefox, may NoScript na add-on, kaya hindi basta-basta magra-run ang suspicious scripts sa likod ng mga websites unless i-allow ko.

Use LastPass, but only at home. ‘Pag tinatamad ka nag magta-type ng usernames at passwords every time, use LastPass. It will save your usernames and passwords, and will auto-login/auto-fill login forms for you, upon your permission. Pero syempre, as a practice, hindi lahat ng accounts ko naka-save LastPass.

Try signing-in with blank fields from time to time. (Works best with Firefox.) Kunwari, pag-visit mo sa Facebook, try mong huwag munang mag-log-in. Click mo lang yung Sign-in/Log-in button.

Kapag nag-blue yung icon sa left side ng address bar ng Firefox after loading/post-back, ibig sabihin legitimate na nasa Facebook.com ka nga. Meron kasi minsang mga pekeng websites na akala mo eh yun ang tunay na binibisita mo, kahit na tama naman yung URL ng website. (DNS spoofing ang tawag dito.)

Use an on-screen keyboard when logging in. Para hindi ka ma-key log (meaning nase-save lahat ng tina-type mo sa keyboard; meaning pati username at password mo). Mahirap siya, pero it’s worth a try.

Check your sent mail often. May nabalitaan kasi ako sa TV na nang-hack ng e-mail account, tapos yung hacker nagpadala ng e-mails sa contacts ng biktima, at nanghihingi ng tulong kasi “na-stuck daw siya” sa Hong Kong at kailangan niya ng pera para maka-uwi. (Sosyal, Hong Kong!)

Make an inventory of all your online accounts. Yup, lahat ng gamit mo sa e-mail clients, blog servers, social networking sites, free hosting servers, torrent sites, collaboration sites, download sites, hell pati porn sites! Basta lahat ng websites kung saan nag-register ka with your e-mail, at nagbigay ka ng username at password.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: