//
currently reading...
My QWERTY Life

Si Attorney Boy… Bow.

‘Pag nasa mataong lugar ka, nakakatuwang isiping magkakaiba tayo sa bawat isa. Sa itsura, sa ugali, sa galaw, sa paniniwala. No two people are exactly alike, ika nga. Maski nga mga kambal, triplets, quadruplets at piglets, pareho man sa itsura, hindi naman sa ibang aspeto.

Kahit nga itsura lang ang criteria, magkakaiba pa rin tayo. Wala kang mahahanap na tao sa buong mundo na kaparehung-kapareho mo sa pigura, tangkad, bigat, kulay ng balat, natural na ayos ng buhok, at iba pang katangian.

Kaya tuloy, bawat isa sa atin, sinusubukang iangat ang sarili sa ibang tao. Para siguro ma-emphasize ang pagiging iba natin sa karamihan. May mga nagpapasikat, mga nagpapapansin, at mga hindi-sinasadyang makilala. Ang ilan, pursigidong maging tanyag, may ilang piniling maging normal na bahagi ng lipunan, at may ilan ding gusto na lang mawala sa mundo na parang bula.

Identity ang tawag dito. Pagkakakilanlan. ‘Di tulad ng pangalan mong nakakabit na sa ‘yo habangbuhay *maski nga hanggang sa kamatayan, sa lapida mo*, maaari kang magdesisyon sa kung anong identity ang gusto mo. Pwedeng ikaw ang nag-isip, o inisip ng ibang tao para sa ‘yo.

Tulad ng sa inyong abang lingkod. Sa college, hindi ko inakalang mabibigyan ako ng hindi lang isa, kundi dalawang nicknames na siguro’y matagal-tagal ding maa-associate sa akin: Attorney at Boy.

~~~~~

Hindi naman ako abugado pero bakit Attorney ang tawag nila sa akin?

Hindi naman ako utusan, at siguradong lalake ako, pero ba’t kailangang ulit-ulitin ang pagtawag sa ‘kin ng Boy?

Katunayan, swerte ko pa nga’t nagkaroon ako ng pagkakakilanlan sa kolehiyo. Kasi after high school, wala akong ka-planu-plano sa sarili ko. Ilan sa mga nasa isip ko nun eh, “Kakayanin ko kaya ‘yung mga Math subjects?”, “May mga Math contests din kaya sa APC?”, “Tataba’t tatangkad pa kaya ako?”, at “Maganda sana ang library nila.”

Syempre, given na yung “Sinu-sino kaya ang makikilala ko?”. Pero hindi yung “Paano kaya ako makikilala?”. Buti na lang, sa unang linggo ko sa APC, eh nasagot yung pangalawang tanong.

~~~~~

Sa APC kasi, may dress code. Long sleeves with necktie or polo barong ang pantaas kapag Monday and Tuesday (business attire); at, long sleeves with/without necktie, polo barong o polo ‘pag Wednesday and Thursday (business casual). Tapos “wash day” ‘pag Friday.

Eh one time, pumasok ako sa klase na naka-white na polo barong, *syempre may white undershirt*, black pants, black shoes, at may bitbit na black Executive Suite na pouch bag *na nabibili sa National Bookstore*.

Mukha akong may scheduled na kaso sa korte. Isang saktong dahilan para sa isa kong kaklase para tawagin akong “Attorney”. Ewan ko kung para mang-asar o dahil napuna niya lang talaga yung get-up ko.

Kaya, the name stuck. Ta’s, naging class president pa ‘ko, kaya na-Mighty Bond na sa pagkatao ko ang nickname na ‘yun. “Attorney” daw kasi lagi akong may naiisip na solusyon sa problema ng klase. *Wehh! Di nga?*

~~~~~

‘Di kalaunan, eh nayaya si Attorney na maging officer ng JPCS. Junior Philippine Computer Society. Student organization siya sa school namin. ‘Pag first year IT student ka, more or less required yung 1st year of membership mo sa JPCS.

Dito naman pinanganak si “Boy”, isang hardworking na utusa…, este offi…, este Director for Programs and Meetings ng JPCS. Ang trabaho ko, siguraduhing maayos ang lahat ng events na ino-oorganize namin. Ibig sabihin, lahat ng room reservations, equipment reservations, at smooth program flow assurance, sagot ko.

“Boy” kasi ang tawag sa ‘kin ng president namin dati, si Kuya Alphard — siguro dahil ang sipag-sipag ko, o dahil hindi mo maipagkakailang may “lawit” ako, o siguro dahil ang bata pa ng itsura ko. ‘Di ko siguro malalaman hangga’t di ko tanungin si Kuya Alphard. *Oo nga naman*

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: