//
currently reading...
My QWERTY Life

Blag!

Buti, nakaiwas ka. Sorry sa “pag-landing” ko ah.

(Sa mga ‘di naka-gets ng joke, kunwari Bisaya ako, at “blag” ang tawag ko sa blog. Add an exclamation point, ta’s imagine niyo na lang yung sound effects.)

*Ay, may joke pala…*

~~~~~

Todo na sa Internet presence ah! Facebook. Twitter. Plurk. Kakagawa ko lang din ng Tumblr. *Kanina.* Ta’s, may dalawa pa ‘kong blogs dito sa WordPress. Yung una, tumutok sa 2010 Elections. Tungkol naman sa Pilipinas in general yung pangalawa.

Eh, wala pa akong maisip na i-post sa dalawang blogs na ‘yan. *OK fine, wala pang nagagawa… Sheesh… Hirap magsinungaling dito ah…* Kaya heto, gumawa ng pangatlo. This time, magiging mas personal ang blog na ‘to.

~~~~~

‘Wag kayong mag-alala, hindi ako newbie sa blogging. May blog ako sa Xanga dati, nung 2006. The Kernel’s Blog ang title, at xanga.com/mikee_corny ang address — dahil sa ka-corny-han ko. *Hindi pa ba obvious?* Third year high school student ako nun, sa Makati Science High School.

Nung una, pa-English-English pa ako sa mga posts ko. Pero nung panlimang entry, nag-Tagalog din ako — sa wakas! *OK fine, Taglish.*

Naging masaya naman ang una kong stint sa blogging, kasi may mga sumubaybay, lalo na ang best friend ko noong si Raymund. Halos lahat ng posts ko, may comment galing sa kanya.

Naging mas masaya (nang kaunti) noong may nag-comment straight from Califor-ni-a. Allyka ang pangalan niya. Pinanganak sa ‘Pinas, tumira sa ‘Tate. She stumbled upon my blog daw. Buti na lang, nakakaintindi siya ng onting Tagalog. Kaya parang naging pen-pals kami, with me doing most of the writing. (Sana mahanap ko siya, or mahanap niya ako, sa Facebook.)

~~~~~

Isang taon din ang tinagal ng The Kernel’s Blog, bago ako natamad sa pagpo-post nung July 2007. Huwag niyo nang i-Google — deleted na sa blogosphere. Pero lahat ng mga posts ko sa blog na yun, inipon ko sa isang ZIP file. Naka-save sa GMail ko, hanggang ngayon. *Si-nend ko sa sarili ko. ‘Di pa uso mga USB at external hard drives nun.*

Binasa ko ulit yung ilang mga blog entries, at noob na noob ang blogging style ko dati, grabe! Napaka-corny, mahilig sa “prang” at “bsta” at iba pang shortcuts. Marami ring typo, at para akong anak na kulang sa pansin, sa totoo lang. Parang mas madaling ikwento online kaysa sa pamilya’t mga kaibigan mo nang personal. Parang mas may makikinig kasi online versus sa totoong buhay. Sineryoso ang “blog = diary”.

~~~~~

Speaking of diaries, sinubukan ko na rin dati. Eh natamad ako bago pa man yung first entry. Kaya hayun.

*Pangalanan mo ba namang Philip ang diary mo. At eww, pambabae lang kaya ang diary!*

~~~~~

Mga ilang buwan pagkatapos, sinubukan ko uling mag-blog.

Sa Friendster? Nyak, ‘lang kwenta. (Sikat pa ba Friendster ngayon?)

Sa Blogspot aka Blogger? Masyadong simple, lalo na yung mga themes. May aura ng “fanboyism” — I mean, halos lahat ng Blogspot blogs eh fan sites at… at… well, sabihin na lang nating “flesh sites”.

Sa Xanga na lang kaya ulet? Nah, never mind. Ayoko na ng eProps.

Sa Multiply? Sakto!

~~~~~

Sa Multiply site ko naman lumabas ang pagiging adik ko sa WWE. Professional wrestling yun, at hindi siya peke, I tell you! *Pre-determined, oo. Pero fake? Gusto mong ma-Stunner?*

Dahil sa Multiply at sa wrestling, nagkaroon na naman ako ng tagasubaybay sa ibang bansa: si Jarrett. Taga-Boston naman siya. Nung natamad siya sa pag-follow sa wrestling, natamad na rin akong mag-post nang onti.

Buti kamo, marami ring Multiply users sa Asia Pacific College (school ko ngayon), kaya nag-fit in din naman ang blog ko. Tsaka astig kasi yung CMS (Content Management System) feature ng Multiply, meaning pwede mo i-re-arrange yung mga elements/blocks sa blog mo, depende sa trip mo. *Parang feng shui lang.*

Eh, nauso bigla ang Facebook, Twitter at Plurk… Kaya hayun, nauso ang micro-blogging, at hiatus na naman ang buhay-blogging ko… Nung April pa yung last post ko.

~~~~~

Then came WordPress. Nag-enjoy naman ako sa interface at pagka-user friendly niya. Mukha akong professional blogger — Naka-tatlo na nga akong blogs eh. *Kung kumikita lang ako sa blogging (lalo na nung eleksyon), ‘di sana may iPod na ko ngayon…*

~~~~~

By the way, sa opisina ako nagba-blog. Partida, may project akong ginagawa. Pag ako na-memo, good luck na lang sa ‘kin!

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Archives

%d bloggers like this: