
Disclaimer: Ang mungkahi pong ito ay naisip sa ngalan ng batas, disiplina at kaayusan. Batid po ng may-akda na, sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, isa ang pagiging sidewalk vendor sa mga ikinabubuhay ng karamihan sa mga mahihirap nating kababayan. Sana po ay maging makabuluhan ang ating diskusyon ukol sa ideyang ito. Maraming salamat po.
Sa araw-araw na pag-commute natin sa Metro Manila, sila ang palagi nating nakakasalamuha: ang mga sidewalk vendor. Sari-sari ang kanilang mga paninda sa murang halaga: mga prutas at gulay, DVD, sapatos, mga kagamitan sa bahay, kendi’t sigarilyo, dyaryo, damit at marami pang iba.
Kadalasang makikita ang kanilang mga pwesto sa mga matataong lugar tulad ng commercial centers (ex. sa Cubao at Guadalupe), mga terminal ng bus at jeep, sa paligid ng mga palengke, sa mga overpass at footbridge, at sa tabi ng mga paaralan. Kaya sila tinawag na “sidewalk vendors” dahil sa bangketa o sa gilid ng mga lugar na ito sila nagtitinda.
Mababansagan ding “sidewalk vendors” ang mga tindero sa gilid (at ang ilan pa nga ay sa gitna) ng daan, tulad ng masasaksihan araw-araw sa Quiapo at Divisoria.
Walang permanenteng pwesto ang mga sidewalk vendors tulad ng mga regular na tindahan, dahil hindi maaaring magtayo ng mga ito sa bangketang dinaraanan ng mga commuters araw-araw. Ngunit hindi ito hadlang sa mga sidewalk vendors para makapagnegosyo.
Karamihan sa mga “stalls” nila ay gawa sa light materials na madaling i-set-up, madaling bitbitin, at madali ring baklasin. Nakakatuwang pagmasdan ang “creativity” ng ilang stalls, dahil sa disenyo at pagkakayari sa mga ito. Technically, hindi nga naman “permanente” ang kanilang pwesto sa bangketa, kaya hinahayaan silang magtinda roon. Tuloy, lalong sumisikip ang sidewalk.
At dahil sa bangketa lang naman sila pinagbabawalan, ang ilan ay pumupwesto sa harap ng restaurants, convenience stores, simbahan, at iba pang establishments na may maluwag na espasyo sa entrance area nito.
Para sa mga kapus-palad nating kababayan, ang pagiging tindero sa bangketa ay isang madaling paraan para kumita ng pera. Maliit lang ang kapital para sa paninda at materyales sa pwesto. Malaki ang supply ng produktong kanilang inilalako, at mataas ang demand sa mga matataong lugar.

Photo Credit: http://www.paraisophilippines.com
Pero ang hindi nila namamalayan, kapalit ng paraan nila ng hanapbuhay para sa “pag-asenso” ay ang kawalan ng kaayusan, disiplina, at pangingibabaw ng batas sa maraming aspeto.
Maraming beses na pong sinubukan ng MMDA, sa ilalim ng programang “Metro Gwapo” ni Bayani Fernando at sa kasalukuyang programa ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na disiplinahin ang mga sidewalk vendors. Paulit-ulit na nagsasagawa ng raids ang MMDA, para kumpiskahin ang kanilang paninda at stalls. Pero kinabukasan, ‘pag naka-alis na ang mga tauhan ng MMDA, babalik agad sila sa parehong lugar at itutuloy ang kanilang “business” na parang walang nangyari.
Straightforward naman po ang naisip kong panukala: “No Permit, No Business”. Kapag hindi po ligal ang negosyo o paninda, hindi po pwedeng magbenta.
Lahat po ng ligal na establishments ay may maipapakitang permits tulad ng Mayor’s Permit, DTI Certificate, Health Permit, SEC Registration Certificate, at BIR Registration. Lahat po ng ito ay dinidikta ng batas. Ganito rin po sana ang gawin nating panuntunan sa mga sidewalk vendors. Ika nga po ng isang kasabihan, “the law applies to all, otherwise none at all.”
Marami po talagang sidewalk vendors ang hindi mabibigyan ng valid permits dahil hindi naaayon sa batas ang karamihan sa kanilang nakagawian.
Maaari po nating i-exempt ang mga newsstands (nagbebenta ng dyaryo) dahil “matters of public interest” (tulad ng judicial announcements) ang nilalaman ng mga pahayagan. Maaari rin pong hindi isama sa panukala ang mga “takatak” na nagbebenta ng kendi at sigarilyo, dahil de-bitbit naman ang kanilang paninda.
Sa ilalim ng mungkahing ito, masusubukan ang sipag at katapatan sa trabaho ng mga sumusunod:
Batid ko pong mahirap ipatupad ang mungkahing ito. Mananatiling mga sidewalk vendors ang mahihirap nating mga kababayan, hangga’t hindi sila natutulungan ng gobyerno sa aspeto ng trabaho, kalusugan at edukasyon.
Pero ito po ay isang ideyang hindi imposible. Kapag may disiplina po tayo, at may respeto sa batas, darating ang araw na magiging win-win solution ang panukalang ito. Ang mga naghahangad na magka-negosyo ay kikita sa ligal na paraan, at magkakaroon ng kaluwagan at kaayusan sa mga bangketa.

Traffic in EDSA (From Flickr, courtesy of Rob Trent)
Ang iniinda nating traffic sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, o EDSA. Araw-araw tayong naiinis, araw-araw tayong nagtitiis.
Sa bawat pagbaybay natin sa EDSA, lagi tayong nakaka-isip ng mga ideya para kahit papaano’y gumaan ang traffic dito. Pero kadalasan, “nata-traffic” din sa isip natin ang mga ideyang ito. Siguro dahil tinatanggap na lang nating mahirap tugunan ang malaking problemang ito.
Ito na ang pagkakataon nating maitala ang iba’t iba nating mungkahi para lumuwag ang daloy ng trapiko sa EDSA. Mag-comment lamang po sa entry na ito, o ‘di kaya’y mag-email sa michaelbueza@gmail.com. Ike-credit po ang inyong suhestyon kapag naisama sa entry na ito.
1. One-Lane Bus Transit System
Matapos ang bus bombing sa Buendia noong Pebrero, nag-post po ako sa QWERTY Attorney ng entry tungkol sa suhestyon ng mga bus driver na mag-install ng security cameras sa lahat ng bus sa EDSA.
Doon ko rin po ipinakilala ang ideyang “i-centralize” ang bus rapid transit system ng Metro Manila, tulad ng mayroon sa Seoul, South Korea.
Sa kabuuan, mabubuwag ang lahat ng kasalukuyang bus companies, kapalit ng isang unified bus company na maaaring pamunuan ng MMDA. Ibig sabihin rin nito, magiging pare-pareho ang itsura ng mga bus.
Mananatili ang mga bus na ito sa outermost lane ng EDSA, hindi tulad ng kasakuluyang two-lane system. Maiiwasan dito ang pagdaan at paglipat-lipat ng mga bus sa iba’t ibang lanes (tulad ng nasa larawan sa itaas).
Consequently, magkakaroon din ng pormal na bus stations. Dito lang magbababa at magsasakay ang mga bus, ‘di tulad ngayon na kung saan-saan humihinto ang mga bus, kahit sa gitna ng daan.
Maaari ring mag-install ng iba’t ibang technologies, tulad ng: GPS chips at security cameras sa mga bus, bus tracker displays sa bawat bus stations (tulad ng sa airport at LRT-2), at e-ticketing system.
In short, ihahalintulad natin ang one-lane bus-transit system sa MRT-3. Ano sa tingin ninyo?
Narito ang iba pang mga “isyu” tungkol sa EDSA na maaari nating pag-usapan dito.